Bleeding and Believing

Tuesday, March 10, 2009

This is FOR THE BOYS! Mga tanong na walang sagot.

Nasan na ba ang mga boys? Taken na ba silang lahat or karamihan naging Bb. Gandanghari na rin? Bakit ang mga boys gusto yung mga diva girls? Bakit gusto nila yung may attitude problem? Bakit gusto nila yung ga girls na may boypren na? Mas challenging ba yun? Bakit gusto ng boys ng hot chicas na lagi nagmi-mini skirt? Gusto ba nilang tinititigan ng iba yung legs ng girls nila pag naglalakad silang magkasama? Proud ba sila sa legs ng kasama nila? At bakit sila nagagalit pag may tumitingin?

Gusto ba ng boys yung super ganda? O kaya super sexy? O kaya hayop sa yaman? Pano kung matalino lang? Pano kung matalino and may sense of humor? Pano kung matalino, may sense of humor, at witty? Pano kung matalino, may sense of humor, witty, at magaling kumanta? O kaya magaling tumambling? Pano kung ganun na nga, pero di naman super ganda.. yung steady lang? Ano ba ang tunay na hanap nila?

Kailangan ba party girl o kaya nagyoyosi? Requirement ba na umiinom ng beer? Kailangan ba naka Sun para unlimited texts? Pwede ba yung may mga kalyo sa paa? Dapat ba nanlilibre? Nanlilibre ng kape? Kape sa Starbucks? Dapat ba marunong mag beautiful eyes? Dapat ba naglalaro ng volleyball? Dapat ba naka-braces? Kailangan ba tumutugtog ng harmonica? Kailangan ba yung nakakatapos ng Snake sa Nokia 5110?

Kailangan ba may kotse? Kailangan ba tapos ng college? Kailangan ba panganay? Kailangan ba naka-Havaianas? Ok na ba kung Beach Walk lang? Dapat ba galing ng Boracay at may tan line? Dapat ba may kulay ang buhok? Dapat ba naka-French tip ang nails? Dapat ba naka make-up? Dapat ba naka iPhone? Pano kung Xperia lang, pwede na ba? Eh kung Omnia, pwede na? Pano kung ang telepono nya yung wireless landline, tatawagan mo parin ba siya kahit nasa MRT siya?

Ano na? May sagot ka ba? May tanong ka pa?

Labels:

posted by Dorxie at 3:00 AM   [ 0 comments ]

v5.7 Copyright (c) 2005, Dorx Crooc All Rights Reserved.

+ For the Greater Glory of God! +




Make it an escape.
Make it an experience.
Make it a daily necessity.
Make it an occasional treat.
Make it a happy place.
Make it a fortress of solitude.
Make it bouncy.
Make it what you want it to be.

Make it your Journal.
Go ahead and blog away.





Subscribe!
Feed yourself. Subscribe!

Check me out at Friendster!
Check me out at Friendster!

amazing since birth.
amazing since birth.

Go forth and Multiply.


Let's have a lil chit chat.

Send me an e-mail!
Send me an e-mail!

Twitter Logo

    Follow me on Twitter.

    My Disclosure Policy
    My Disclosure Policy









    This site is a member of WebRing. To browse click here.

    PinoyTopBlogs.com Webring
    Join | Ring Hub | Random | Prev | Next

    Blogarama - The Blog Directory

    Blogko.net Topsites

    Add to Technorati Favorites




    www.hitscount.com